Good Life.. wala naman gusto ko lang ng magandang buhay..
Hindi naman kinakailangan na mayaman ka para masabing maganda ang iyong buhay. Minsan sapat na yon kuntento ka sa mga bagay na mayron ka, andyan yon mga kaibigan at mga mahal mo sa buhay na nagpapapasaya at gumagabay sa pang araw araw na buhay mo.
Ang problema naman kase madalas tayo na din ang gumagawa or kusa tayong pumapasok sa mga bagay na alam natin na magiging sanhi ng isang problema. Kaya nga dapat din nating pag isipan yon mga disisyon natin sa buhay.
Lumagay lang tayo sa tama para magkaproblema man wala sa atin ang sisi.